^

PM Sports

Ginebra gustong kumalas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakalas ang Barangay Ginebra sa pagkakatabla sa ikalawang puwesto para palakasin ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive habang target ng nagdedepensang Rain or Shine ang tiket sa quarterfinal round.

Lalabanan ng Gin Kings ang Blackwater Elite ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pakikipagkita ng Elasto Painters sa Globalport Batang Pier sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Sa tournament format, ang sisikwat sa No. 1 at No. 2 berths ay magbubulsa ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod.

Hangad ng Ginebra ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang San Miguel, 107-99 noong nakaraang Linggo para kaagad makabangon sa isang kabiguan.

Nauna nang sumakay ang Gin Kings ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa isang five-game winning streak bago napigilan ng Elasto Painters, 118-112 noong nakaraang Biyernes.

Nagmula naman ang Blackwater sa 87-96 pagyukod sa Mahindra sa kanilang huling laro noong Mayo 7.

Sa unang laro, puntirya rin ng Elasto Painters ang kanilang ikalawang dikit na panalo at ang puwesto sa eight-team quarterfinals cast sa pagharap sa Batang Pier.

Sa come-from-behind 118-112 win laban sa Ginebra ay humakot si import Duke Crews, pumalit kay Shawn Taggart ng 28 points at 22 rebounds para sa Rain or Shine na na-kabawi mula sa 16-point deficit. (RCadayona)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with