Star Hotshots dumiretso sa ikalawang sunod na panalo
MANILA, Philippines – Patuloy ang pagragasa ng mga Hotshots.
Sinagasaan ng Star ang Phoenix, 123-79, para sa kanilang ikala-wang sunod na panalo sa 2016-2017 PBA Phi-lippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos ang 0-2 pa-nimula ay pinabagsak ng Hotshots ang NLEX Road Warriors, 99-75, bago isinunod ang Fuel Masters.
Kilala ang Phoenix sa kanilang transition game.
“We want to slow down Phoenix, especially on their transitions,” sabi ni coach Chito Victolero. “Ang ganda ng chemistry sa offense. Hopefully, magtuluy-tu-loy.”
Umiskor sina Paul Lee at Allein Maliksi ng tig-18 points para pa-munuan ang Hotshots kasunod ang 15 mar-kers ni PJ Simon at tig-11 nina Mark Barroca, Justin Melton at rookie Jio Jalalon.
Nang makatabla ang Fuel Masters sa 10-10 ay kumawala ang Hotshots para kunin ang 15-point lead, 35-20, sa first quarter.
“Naging maganda ang depensa namin at may chemistry sa offense,” ani Victolero.
Pinalobo pa ng Star ang kanilang kalama-ngan sa 91-53 sa pagsasara ng third period na hindi nakaya pang putulin ng Phoenix.
Pinangunahan ni Simon Enciso ang Fuel Masters sa kanyang 16 points kasunod ang tig-13 nina JC Intal at William Wilson.
STAR 123 - Lee 18, Maliksi 18, Simon 15, Melton 11, Jalalon 11, Barroca 11, Pingris 8, Brondial 8, Ramos 7, Reavis 7, Sangalang 4, Abundo 4, Javier 1, De Leon 0.
Phoenix 79 - Enciso 16, Intal 13, W. Wilson 13, Wright 12, Caperal 8, Borboran 5, Lanete 4, Torres 4, Baguio 2, Hayes 2, Alolino 0, J. Wilson 0, Miranda 0.
Quarterscores: 35-20; 61-38; 91-53; 123-79.
- Latest