^

PM Sports

3-grupo magpapakarera

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, magpapaligsahan ang tatlong malalaking samahan ng mga horse-owners na Klub Don Juan  De Manila, Metropolitan Race Horse Owners Association of the Philippines at ang Philippine Thoroughbreds Breeders Organization.

Sa kabila ng mga pakarerang ito ay hindi mawawala ang pakarera rin ng Philippine Racing Commission.

Kaya inanunsyo ng Metro  Manila Turf Club Inc. Malvar-Tanauan, Batangas ang kanilang gaganaping 2016 Philracom Sampaguita Stakes race na ilalarga sa 1,800 meters. Ito ay para sa lahat ng locally born four year old pataas na mga babaeng kabayong nakasali na sa aktuwal na karera.

Ang total pot ay P1,500,000 na biniyak sa P900,000 para sa champion; sa runner-up ay P337,500; sa third placer ay P187,500 at sa fourth na P75,000. Mayroon breeders purse na P60,000 sa mananalong kabayo.

Ginanap na kahapon ang nominasyon at may ba-yad na P7,500 per horse. Sa Oktubre 10 L ang deklarasyon para sa bayad na P15,000 kada-kabayo.

Ang nominasyon at deklarayon ay parehong gaganapin sa Philracom Office sa alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa nasabing petsa.

Sa  Oktubre 16 gaganapin ang 1st Leg ng three year old imported fillies takes. Ito ay para naman sa mga nakare-histrong imported fillies  na nakatakbo na rin sa aktuwal na karera.

Ang distansiya  nito ay isang milya at ang papremyo ay P500,000.

Ang nominasyon ay sa Oktubre 4 sa bayad na P2,500 kada kabayo.

Ang deklarasyon ay sa Oktubre 10 at may bayad na P5,000 per horse. JM

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with