^

PM Sports

2-0 asam ng Gin Kings

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng Barangay Ginebra ang  2-0 kalamangan habang hangad naman ng defending champion San Miguel Beer na maitabla sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinal series sa 2016 Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup nga-yong gabi na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Dahil sa kanilang panalo sa Game One, ang momentum ay nasa Gin Kings sa kanilang muling paghaharap kontra sa Beermen sa alas-7 ng gabi.

Nakuha ng Gin Kings ang 1-0 lead matapos ang 115-108 panalo sa Game One noong Lunes. Ngunit para kay Ginebra coach Tim Cone, hindi gaanong malaki ang panalong ‘yun dahil first game pa lamang at marami pang mangyayari sa serye.

“Our first game win is not actually a big deal for us. But Game 2 is. That’s why, we have to win again the next game,” sabi ni Cone.

Alam naman ng multi-titled mentor na si Cone, ang kasalukuyang most winningest coach sa liga na malakas ang capability ng Beermen ang pag-bounce back. Hindi sila (Beermen) defending titlist for nothing, dagdag pa ni Cone.

“Our Game One victory is confidence-booster for the team. The players raise their level and they are getting the confidence needed, but it doesn’t win really the series. There’s a lot more to do,” sabi ni Cone.

Inaasahan pa rin ni Cone ang magandang outside shooting, efficient defense at fighting spirit ng Gin Kings sa ikalawang laro lalo na ang pa-ngunguna ni import Justin Brownlee ang Gin Kings. Kumamada siya ng 39 puntos, 16 rebounds.

Tiyak din ang magandang laban mula sa tubong Padada, Davao del Sur na si Scottie Thompson na gumawa ng double-double performance sa kanyang 11 puntos at 10 assists. Si Sol Mercado na tumipak ng 19 puntos sa Game One ay inaasahan din ni coach Cone kasama sina Japeth Aguilar at Joe Devance.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with