^

PM Sports

George handa na kay James

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagposte si Paul George ng Indiana Pacers ng litrato sa social media kung saan kagat-kagat niya ang gold medal mula sa Rio Olympics, isang karaniwang  ginagawa ng isang indibidwal kapag nagsasara ang isang yugto ng kanyang buhay.

Ito ay ang pagkumpleto sa layunin ng Team USA, ang nalasap ng grabeng injury at pagbabalik ng kanyang pangalan sa mga bigating players sa NBA.

Ngayon ay nakahanda si George na matulungan ang Pacers na maging title contender na hindi niya nagawa nang magkaroon ng leg injury.

Sa mahabang panahon ay si LeBron James ang naging tinik sa lalamunan ng mga players sa Eastern Conference kahit sa paglalaro niya sa Miami Heat o Cleveland Cavaliers. Ngunit naniniwala si George na kaya niyang talunin si James at ang reigning NBA champions ng Cavaliers para sa darating na season.

“Honestly, I look at us challenging them. I’ve been in the East and I’ve been No. 1 with LeBron being on a team,” sabi ni George sa The Vertical sa isang telephone interview sa Pacers na tinulungan niyang bigyan ng best regular-season record sa East noong 2013-14 bago nagkaroon ng leg injuury habang nagsasanay sa Team USA. “Really, what I’m looking at is its coming down to me getting us past the conference finals. … I’m confident in myself. I’m confident in what I can do.”

Ang mga playoff duels ni George kay James ang nag-angat sa kanyang pangalan ngunit hindi nakasabay sa Cleveland star.

“I’ve always matched up with him like, ‘I know he can do this, I know he can do that,’ ” wika ni George tungkol kay James.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with