^

PM Sports

Perlas pinalakas ang tsansa sa ginto sa SEABA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinalo ng Indonesia ang Perlas Pilipinas noong 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

At naniwala silang muli nila itong magagawa. Subalit hindi ito nangyari.

Pinatumba ng Perlas Pilipinas ang Indonesia, 72-56, para makalapit sa hinahangad na gold medal 2016 SEABA Women’s Championship noong Biyernes ng gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium sa Malacca, Malaysia.

“They have this belief that they won against us in the SEA Games and they can beat us again. But we came prepared also. But it’s payback time,” sabi ni head coach Patrick Aquino sa Indonesia.

Nakabawi ang mga Pinay sa kabiguan sa mga Indonesians noong 2015 SEA Games sa Singapore.

Nagtala si Allana Lim ng 24 points at 9 rebounds para sa Perlas Pilipinas, habang nagdagdag si Cindy Resultay ng 15 markers.

Kinuha ng Natio-nals ang kanilang ikatlong sunod na panalo at nakatakdang sagupain kagabi ang Malaysia para sa gold medal.

Maaaring mawaka-san ng Perlas Pilipinas ang anim na taong pagkauhaw ng bansa sa gold medal sa SEABA.

Huling nagreyna ng bansa sa torneo noong 2010 sa likod nina Cas-sie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales sa ilalim ni mentor Heidi Ong.

Nakalapit ang Indonesia sa 43-51 agwat sa third period matapos magpakawala ng 15-6 atake kasunod ang basket ni Lim at dalawang free throws ni Ambi Almazan para muling ilayo ang Nationals sa 68-53 sa huling 4:11 minuto ng final canto at selyuhan ang kanilang panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with