47th WNCAA didribol sa Sabado
MANILA, Philippines – Nakatakdang magbukas sa Sabado ang ika-47 taon ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) na binubuo ng 16 miyembrong paaralan.
Pamumunuan ng season host na St. Jude Catholic School at ng five-time senior basketball champion na Centro Escolar University, ang unang tri-level league para sa mga kababaihan sa bansa ay magtatampok sa Filipino-Chinese culture sa idaraos nilang opening rites na magsi-simula sa alas-10 ng umaga sa Makati Coliseum.
Iikot ang kanilang gagawing pagdiriwang sa temang “Women on Fire. A Legacy of Passion.”
Si volleyball super-star Alyssa Valdez ang tatayong guest of honor at speaker sa opening program kung saan i-nimbitahan din si Rose Teotico, ang dating University of Asia & the Pacific senior basket-ball team captain na miyembro ngayon ng technical committee ng Philippine Basketball Association’s women’s league.
Tatlong basketball matches ang isusunod matapos ang nasabing seremonya. FML
- Latest