^

PM Sports

FEU, Baste magpapalakas ng tsansa sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang maglalaban-laban para mapaganda ang kani-kanilang mga tsansa sa semifinal round ng Sha-key’s V-League Collegiate Conference sa San Juan Arena.

Maghaharap ang Far Easter University at San Sebastian ngayong alas-4 ng hapon na susundan ng laro tampok ang Ateneo at University of the Philippines sa alas-6 ng gabi.

Kasalukuyang pina-ngungunahan ng National University, may 3-1 kartada, ang nagtu-tunggali ang limang koponan upang makapasok sa semifinals ng Collegiate Conference kung saan magtutuos ang No. 1 at No. 4 at ang No. 2 kontra sa No. 3 sa isang best-of-three series upang malaman ang maglalaban sa kampeonato.

Inaasahang magpapakitang-gilas si NCAA Most Valuable Player Grethcel Soltones para sa Lady Stags, kasama nina Joyce Sta. Rita, Ka-therine Villegas, Mariel Dalisay, Denice Lim at setter Vira Guillema na katabla ang Lady Tamaraws sa 2-1.

Tatapatan naman sila nina Toni Rose Basas, Remy Palma, Bernadeth Pons, Anne Guino-o at setter Angela Negrito na umiiwas sa isa pang sunod na talo matapos yumukod kontra sa NU sa kanilang huling laban.

Magandang laban din ang inaasahan sa pagitan ng Lady Maroons at Lady Eagles na magkatabla rin sa 1-1.

Pangungunahan ni-na UAAP Season 78 Rookie of the Year Isa Molde, Diana Carlos, Justine Dorog, Nicole Tiamzon, team captain Kathy Bersola at setter Mae Basarte ang Lady Maroons, habang sasan-dig naman ang Lady Eagles sa ilalaro nina Michelle Morente, Kim Gequillana, Ana Gopi-co, Pauline Gaston at ace setter Jia Morado.

Sa panig naman ng Spikers’ Turf, magtutu-os ang San Beda (1-3) at NCBA (1-3) sa Group B sa ganap na alas-10 ng umaga na susundan ng laban sa Group A sa pagitan ng University of Perpetual Help (3-1) at NU (3-1) sa ganap na alas-12 ng tanghali.(FMLumba)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with