^

PM Sports

Pilipinas umakyat sa No. 27 sa bagong FIBA rankings

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang posisyon lamang ang iniakyat ng Pi-lipinas sa pinakabagong inilabas na ranggo ng FIBA, ang world basketball federation.

Mula sa pagiging No. 28 ay tumaas sa No. 27 ang Pilipinas, nabigong makamit ang nag-iisang tiket sa nakaraang 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Yumukod ang Gilas Pilipinas ni head coach Tab Baldwin sa France sa una nilang laro sa FIBA OQT bago natalo sa mas malalaki at ma-lalapad na New Zealand.

Sinapawan ng Pilipinas sa pinakahuling FIBA rankings ang Jordan (28), Germany (29), Korea (30) at Senegal (31).

Nasa itaas naman ng Pilipinas ang Uruguay (26), Asian powerhouse na Iran (25) at Canada (24).

Nanatili sa No. 1 ang United States kasunod ang Spain (2), Serbia (3), France (4) at ang Li-thuania (5).

Tinalo ng Team USA ang Serbia para sa gold medal ng nakalipas na 2016 Olympic Games.

Inilabas ang pinaka-bagong rankings ng FI-BA matapos ang 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Dahil sa ipatutupad ng FIBA na home-and-away calendar para sa 2019 World Cup na idaraos sa China ay bumuo ang Samahang Basket-bol ng Pilipinas ng ba-gong Gilas Pilipinas 5.0 na mamanduhan ni Josh Reyes, ang assistant ni Baldwin sa national team.

Ang Gilas 5.0 na pamumunuan ng mga collegiate standouts sa bansa ay sasabak sa 2016 FIBA Challenge Cup sa susunod na buwan sa Tehran, Iran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with