^

PM Sports

Red Lions muling sinolo ang pangunguna

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinalasap ng San Beda College sa nagdedepensang Letran ang pang-limang sunod na pagkatalo nito sa bisa ng 83-71 sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Umiskor ng game-high na 23 points si Fil-Am rookie forward Davon Potts, habang nag-ambag ng 18 mar-kers, 9 rebounds at 6  blocks si center Benedict Adamos para pamu-nuan ang Red Lions sa pag-angkin sa liderato.

Nagkagirian pa sa huling pitong segundo ang dalawang koponan na ikinaantala ng pagta-tapos ng laro at muntik ng nauwi sa rambulan na nagsimula sa panini-ko ni Bong Quinto kay Antonio Presbitero.

“Well it’s a heated rivalry for the longest time,” sabi ni  coach Ja-mike Jarin. “It got phy-sical at the end of the game. It’s just emotions running. We apologize if we did something ungentlemanly.”

Tumapos na may 18 points at 16 rebound si Letran forward Jom Sollano para sa Knights na bumaba sa 5-7.

Sa unang laro, naku-ha ng San Sebastian ang kanilang ikatlong sunod na panalo nang talunin ang Mapua, 69-67.

Maaari pa sanang maitabla ng Cardinals ang laro ngunit hindi nasalo ni team captain CJ Isit ang pasa ni reigning MVP Allwell Oraeme sa play galing sa timeout  sa huling 11 segundo sa fourth quarter.

Ang kabiguan ang pang-lima ng Mapua sa 12 laro.

Bumida para sa Stags sina Ryan Costelo na may 20 points mula sa bench at si big man Michael Calisaan na may double-double na 15 puntos at 13 boards para iangat ang kanilang koponan sa kartadang 4-9. (FMLumba)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with