^

PM Sports

Arellano, Perpetual puntirya ang Letran

Pang-masa

MANILA, Philippines - Makatabla  ng Letran sa ikatlong puwesto ang kapwa pupuntirya ng Arellano University at University of Perpetual Help sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laban na parte ng nakatakdang triple header ngayong hapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Magkasalo ngayon sa ika-apat na posisyon ang Chiefs at ang Altas taglay ang parehas na 3-2 panalo-talo, isang panalo ang layo  sa Knights na may 4-2 panalo-talo.

Sisikapin  ng Chiefs na makabawi sa kabiguang nalasap sa kamay ng league leader na San Beda sa nakaraan nilang laban habang hangad naman ng Altas na masundan ang naitalang panalo kontra sa defending champion Letran.

Nakatakdang sagupain ng Chiefs ang Emilio Aguinaldo College Ge-nerals na bumulusok sa ika-apat na sunod nilang kabiguan matapos manalo sa una nilang laro, sa pambungad na salpukan ganap na ika-12:00 ng tanghali.

Magtutuos  naman ang Altas at ang wala pa ring panalong College of St. Benilde sa huling laro ganap na alas-4:00 ng hapon kasunod ng ikalawang laro sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum ganap na ika-2:00 ng hapon.

Gaya ng nauna nilang mga laban ay muling aasahan  ng Altas ang fo-reign player na si Bright Akhuetie na consistent sa kanyang double-double performance para pangunahan ang koponan.

Magkukumahog na-mang makaiwas na makaranas ng back-to-back loss na sasandigan ng Chiefs  sina Jiovani Jalalon, Dioncee Holts, Kent Salado at Lervin Flores.

Samantala, magtatangka naman ang Pirates na kumalas sa kasalukuyang pagkakabuhol nila ng Jose Rizal University sa ikalimang puwesto kontra sa pumapang-anim na Stags (1-4) na naiiwan nila ng halos dalawang laro. (FML)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with