^

PM Sports

Mighty Sports Apparel bagsak sa Taiwan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kabiguan ang kaagad nalasap ng Philippine team matapos yumukod sa Chinese-Taipei, 74-88, sa pagbubukas ng 2016 FIBA Asia U18 Championships sa Tehran, Iran.

Nalimitahan ang Batang Gilas sa 11 points sa kabuuan ng second quarter at ibinaon ng mga Taiwanese sa halftime bitbit ang 20-point lead, 49-29, sa kanilang laban sa Group A.

Pinangunahan ni Jonas Tibayan ang Nationals sa kanyang 15 points.

Nakatakdang labanan ng U18 squad ang Iraq ngayong araw.

Nagdagdag naman sina Rendell Lee at JV Gallego ng tig-9 markers, habang kumolekta si John Bryle Bahio ng 8 points at 8 boards.

Umiskor sina Fran Yu at team captain Jolo Mendoza ng tig-7 points at humakot si Joshua Sinclair ng 6 points at 9 rebounds.

Mula sa 25-point deficit ay nagpakawala ang Batang Gilas ng 10-2 atake para makalapit sa 71-83 sa huling 3:07 minuto ng laro.

Ngunit kaagad itong pinigilan ng mga Taiwanese matapos magsalpak ng isang three-point shot.

Hangad ng mga Pinoy cagers na makapasok sa top three ng torneo para umabante sa FIBA World Under-19 Championship sa susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with