^

PM Sports

Lady Eagles somosyo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, muling binanderahan ni reigning Most Valuable Player Alyssa Valdez ang nagtatanggol sa koronang Ateneo de Manila University para makisosyo sa liderato.

Tumapos si Valdez na may 23 points kasama ang 20 hits para pamunuan ang Lady Eagles sa 25-22, 25-20, 21-25, 25-15 paggupo sa University of Santo Tomas Tigresses sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagdagdag naman si Jhoanna Maraguinot ng 12 points para sa 2-0 record ng Ateneo na makatabla ang karibal na De La Salle University sa liderato.

Nahulog naman ang UST sa 0-2 sa kabila ng pinagsamang 32 points nina Cherry Ann Rondina at EJ Laure.

Sa ikalawang laro, bumangon ang Far Eastern University mula sa nauna nilang kabiguan nang talunin ang University of the East, 25-18, 25-11, 21-25, 25-14.

Itinaas ng Lady Tamaraws ang kanilang baraha sa 1-1 at nalasap ng Lady Warriors ang ikalawang dikit na kamalasan.

Sa men’s division, dumiretso ang National University sa kanilang pangalawang sunod na ratsada nang kunin ang 25-23, 25-23, 25-20 panalo kontra sa De La Salle.

Nanguna para sa Bulldogs si James Martin Natividad na humataw ng 14 points katuwang sina Kim Malabunga at Bryan Bagunas na nag-ambag ng 13 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Humataw naman si Wendell Miguel ng 21 points para akayin ang University of the Philippines sa 25-17, 22-25, 25-19, 25-21 panalo laban sa UST.

Umangat sa unang puwesto ang Bulldogs kasalo ang Blue Eagles bitbit ang magkatulad nilang 2-0 kartada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with