^

PM Sports

Lady Eagles patuloy ang ratsada; Lady Bulldogs wagi sa Lady Patriots

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginamit ng Ateneo La­dy Eagles at National University Lady Bulldogs ang lakas sa pag-atake patungo sa panalo sa magkahiwalay na panalo sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Confe­rence kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Kumana si Alyssa Val­dez ng 29 puntos, tampok ang 25 kills, habang si Jhoanna Maraguinot ay may season-high na 24 puntos, kasama ang 22 kills, para tulungan ang UAAP champions sa 47-35 kalamangan sa attack department patungo sa 25-18, 26-24, 20-25, 25-15 tagumpay laban sa UP Lady Maroons.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Ateneo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera ngu­nit dahil inalis ang panalo sa mga napatalsik na mga koponan kaya’t ang Lady Eagles ay may 4-0 ba­raha.

Sina Justine Dorog, Dia­na Mae Carlos at Maria Isabel Molde ay nagta­la ng 14, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, pa­ra sa Lady Maroons na nagdomina sa blocks, 9-7, pero ininda ang 32 errors tungo sa pagkatalo para sa 0-4 marka.

Sapat naman ang la­rong ipinakita ng Lady Bulldogs para sa 25-17, 25-19, 25-17 straight sets win kontra sa La Salle-Das­ma Lady Patriots.

Ang mga beterana ng NU na sina Dindin Ma­­nabat, Jaja Santiago, My­la Pablo at Jorella Singh ay nagsanib sa 35 puntos para makakawala sa four-way tie sa pangalawang pu­westo sa 3-1 baraha.

Isa pang beterana na si Ivy Perez ay nagkaroon ng 14 excellent sets sa 39 attempts na nakatulong pa­ra hawakan ng Lady Bulldogs ang 37-21 dominasyon sa Lady Patriots sa spike department.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VAL

ANG

ATENEO LA

COLLEGIATE CONFE

DINDIN MA

LADY

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

LADY PATRIOTS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with