^

PM Sports

Pacquiao-Khan sa May 3O kung...

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sakaling hindi na naman maitakda ang banggaan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 ay may inihanda nang petsa si Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa laban ng Filipino boxing superstar.

Sa panayam ng ESPN.com ay sinabi ni Arum na inireserba na niya ang Mayo 30 para kay Pacquiao at maaa-ring gawin ang laban saan man sa Mandalay Bay sa Las Vegas at sa Barclays Center sa New York.

“A lot of places around the world want to host a Manny Pacquiao fight,” wika ni Arum. “He’s an international icon, and I have been approached by a number of people looking to host a Manny Pacquiao fight.”

Bagama’t pumayag na si Pacquiao sa lahat ng kondisyones ni Mayweather ay hanggang kahapon ay wala pang kumpirmasyon ang American world five-division titlist kung payag itong labanan si ‘Pacman’ sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan ay sinabi ni Maywea-ther na si Arum ang nagpapaantala sa negosasyon para sa kanilang super fight ni Pacquiao. Mariin naman itong pinabulaanan ni Arum at ipinasa ang sisi kay Mayweather.

Kung hindi na naman maitatakda ang laban ni Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) kay Mayweather (47-0-0, 26 KOs) ay isang opsyon si Amir Khan (30-3-0, 19 KOs).

Nagkita na sina Pacquiao at Khan kamakalawa sa London at sinabi ng Sarangani Congressman na malaki ang posibilidad na mangyari ang kanilang banggaan ng dati niyang sparmate.

Kung mangyayari ito ay maaaring maisama sa usapan si Prince Harry, nakasalo kamakailan nina Pacquiao at asawa nitong si Jinkee sa isang hapunan sa London.

“Prince Harry has a group looking to put on a Manny Pacquiao fight in London,” ani Arum. “Khan would certainly make sense, and it’s an inte-resting fight. But remember -- all that is a backup plan. We are still trying to nail down the Mayweather fight. We need Mayweather to say yes.” (RC)

vuukle comment

AMIR KHAN

BARCLAYS CENTER

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

PRINCE HARRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with