^

PM Sports

Ateneo diretso sa 8-panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa rin mapigilan ang paglipad ng mga Lady Eagles.

Itinala ng Ateneo ang kanilang pang-walong sunod na ratsada makaraang gibain ang National University, 25-18, 25-21, 25-22 sa UAAP Season 77 wo-men’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Arena.

Naglaro laban sa kanyang dating coach na si Roger Gorayeb ng Lady Bulldogs, humataw si Alyssa Valdez ng 20 hits para pamunuan ang panalo ng Lady Eagles.

“It’s weird na nasa kabilang side siya (Gorayeb) ng court, he’s my coach for three years. But all throughout the game, parang maalaala mo ‘yung mga natutunan sa kanya and sobrang inspiring. Parang after all, nagkakasama rin kami because of volleyball,” sabi ni Valdez.

Humataw si Jaja Santiago ng 10 points, habang may 9 hits si Jorelle Singh sa panig ng NU, nanatili sa third place sa kanilang 4-4 card.

Sa unang laro, nagposte si Christine Soyud ng career-high na 16 points para tulungan ang De La Salle sa 25-27, 25-20, 25-23, 25-10 panalo laban sa University of the Philippines.

Si Soyud ang naging ikalawang Lady Spiker matapos si Ara Galang na naging topscorer ng La Salle ngayong season makaraang palitan si Cyd Demecillo bilang open spiker.

Nagdagdag si Galang ng 14 hits at 13 digs para sa Lady Spikers.

Umiskor si Angeli Araneta ng 3 blocks para tumapos na may 15 points, habang nag-ambag si Nicole Tiamzon ng 14 hits para sa Lady Maroons, naapek-tuhan ng pagkawala ni middle blocker Kathy Bersola na nagkarooon ng season-ending ACL injury.

Sa men’s division, tumipa si Mark Alfafara ng 18 points at 2 digs para igiya ang University of Santo Tomas sa 25-19, 28-26, 25-23 panalo laban sa nagdedepensang NU.

Nakahugot naman ang Ateneo ng 12 hits kay MVP Marck Espejo para tapusin ang six-game winning streak ng Adamson University mula sa kanilang 26-24, 25-22, 25-18 tagumpay.

Magkasosyo ang Growling Tigers at ang Blue Eagles sa ikatlong puwesto sa magkatulad nilang 6-2 record para makalapit sa Bulldogs at Falcons, may magkatulad na 7-2 marka. (RC)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALYSSA VALDEZ

ANGELI ARANETA

ARA GALANG

ATENEO

BLUE EAGLES

CHRISTINE SOYUD

LADY EAGLES

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with