Aces sa Game 1
MANILA, Philippines - Hindi makikita sa Aces ang pinagdaanang dala-wang mabibigat na laban sa quarterfinal round.
Bumangon ang Alaska mula sa 17-point deficit sa second period para unahan ang Rain or Shine, 87-80 sa Game One ng kanilang best-of-seven semifinals series para sa 2014-2015 PBA Philipine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagpasabog si guard RJ Jazul ng 10 points, tampok dito ang dalawang three-point shots, sa third quarter kung saan naagaw ng Aces ang unahan, 59-55, sa Elasto Painters sa 1:59 minuto nito.
Huling natikman ng Rain Or Shine, itinala ang isang 17-point advantage, 34-17 sa 8:05 ng second period, ang kalamangan sa 77-73 mula sa free throw ni Jeff Chan sa 5:28 minuto ng final canto.
Isang 12-0 atake ang ginawa ng Alaska para iposte ang 85-77 bentahe papasok sa last two-minutes.
Nauna nang tinalo ng Aces ang NLEX Road Warriors at ang Meralco Bolts sa dalawang knockout phase ng quarterfinals para makapasok sa semis.
ALASKA 87- Thoss 16, Casio 16, Abueva 14, Jazul 12, Menk 8, Baguio 7, Exciminiano 6, Manuel 4, Dela Cruz 3, Banchero 1, Eman 0, Hontiveros 0, Espinas 0, Dela Rosa 0.
Rain or Shine 80 - Chan 17, Belga 11, Almazan 10, Arana 8, Lee 7, Tang 7, Uyloan 6, Norwood 6, Cruz 6, Ibañes 2, Tiu 0, Quiñahan 0, Teng 0,
Quarterscores: 14-21; 40-43; 61-58; 87-80.
- Latest