^

PM Sports

May target ang Azkals

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatapusin ng Philippine Azkals ang magandang ipinapakita sa group elimination ng 2014 AFF Suzuki Cup sa pagpuntirya sa unang puwesto sa Group A kontra sa host Vietnam ngayong gabi sa My Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Sa 2-0 karta at anim na puntos, kailangan lamang ng Azkals na maitabla ang laban sa Vietnam sa larong gagawin sa ganap na ika-7 ng gabi (8 p.m. sa Pinas) para maisakatuparan ang target.

Sa kabilang banda, ang home team na may apat na puntos sa isang panalo at isang draw ay kailangang manalo kung nais nilang pangunahan ang grupo.

Ang mamumuno sa Group A ay magkakaroon ng home court advantage sa knockout semifinals kontra sa papa ngalawang koponan sa Group B na nilalaro sa Singapore.

Ang Thailand na hindi natalo sa naunang dalawang laro, ang number one sa kabilang grupo habang ang ikalawang puwesto ay mainitang pinag-aagawan pa ng host Singapore at Malaysia.

Pahusayan sa paggamit ng manlalaro ang magaganap na tagisan kina Azkals German/American coach Thomas Dooley at Japanese coach ng host team na si Toshiya Miura.

Hindi makakasama ng Azkals sina Juan Guirado (pulled hamstring) at Patrick Reichelt (twisted knee) pero buo ang tiwala ni Dooley sa ibang kasapi ng koponan.

“I have faith in everyone we  have over here. Everyone will have a chance to play,” wika ni Dooley.

 

vuukle comment

ANG THAILAND

AZKALS

AZKALS GERMAN

GROUP A

GROUP B

JUAN GUIRADO

MY DINH NATIONAL STADIUM

PATRICK REICHELT

PHILIPPINE AZKALS

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with