^

PM Sports

No. 3 slot paglalabanan ng Perpetual at Benilde

Pang-masa

MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers ang mahalagang ikatlong puwesto sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Hawak ng Altas ang 10-6 baraha katulad ng host Jose Rizal University Heavy Bombers para magsalo sa ikaapat na puwesto pero makikipag-palitan ng puwesto ang Perpetual sa Blazers kung magwawagi sa larong sisi-mulan sa ika-4 ng hapon.

“Mahalagang laro ito para sa amin at kailangang-kailangan para pumasok sa Final Four,” wika ni Altas coach Aric del Rosario na ang huling asignatura ay kontra sa San Sebastian Stags.

Huling pagkakataon na nasa court ang Altas ay noon pang Setyembre 22 nang talunin nila ang San Beda Red Lions, 76-75. Nagkaroon pa ng isang panalo ang Perpetual pero ito ay sa forfeiture laban sa Mapua Cardinals noong Setyembre 26.

Handa rin ang Blazers na higitan ang hamong ipakikita ng katunggali para maiusad ang isang paa sa semifinals.

Sa kasalukuyan ni-lang 10-5 baraha, ang makukuhang panalo ng Benilde  ay maglalapit sa kanila sa Final Four.

Bukod ito sa pagpa-panatiling buhay sa paghahabol ng tropa ni coach Gabby Velasco sa unang dalawang puwesto na magkakaroon ng twice-to-beat advantage.

Bukas pa ang dala-wang mahahalagang puwesto dahil ang nangu-ngunang Lions na may 13-4 karta, ay kulang pa ng isang panalo habang ang Arellano Chiefs ay may pumapangalawang 12-4 baraha.

Kapag nabigo ang Blazers, makakasiguro na ang San Beda  ng twice-to-beat advantage dahil hindi na aabot sa 13 panalo ang St. Benilde, Perpetual Help at Jose Rizal U. (AT)

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

FINAL FOUR

GABBY VELASCO

JOSE RIZAL U

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with