^

PM Sports

Unang panalo sa taon nakamit ng My Cup Of Tea

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng My Cup Of Tea  ang unang panalo sa taon matapos makapanggulat sa class division 1A noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si JAW Saulog ang siyang dumiskarte uli sa nagbabalik na kabayo na pangatlong choice lamang sa bentahan.

Ang napaborang Amazing Lebren ni Jeff Zarate ang naunang nagtangkang iwanan ang mga katunggali matapos magposte ng halos limang dipang layo.

Pero naubos din ang kabayong nagbabalik matapos ang mahigit isang taong pamamahinga.

Sa far turn ay apat na kabayo sa pangunguna ng My Cup Of Tea ang dumikit na at gamit ang balya ay napaharurot ni Saulog ang kabayo tungo sa dalawang dipang agwat sa Amazing Lebren.

Nagpasok ang win ng P42.50 habang ang 5-1 forecast ay may P86.50 dibidendo.

Kinuha ng Messi ang pangingibabaw sa 3YO and Above Maiden A sa 1,300-metro karera.

Si Val Dilema ang dumiskarte sa kabayo na sinundan lamang ang Today’s Special.

Sa pagliko patungo sa rekta nakawala ang Messi bago tuluyang iniwan ang rumemateng Chiefkeefsossa sa pagdadala ni JPA Guce.

May P13.50 ang dibidendo sa win habang ang 6-8 forecast ay mayroong P26.50 dibidendo.

Lumabas bilang pina­kaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Gee’s For Victory sa pagdadala ni Jonathan Hernandez sa class divison 2 sa 1,400-metro karera.

Pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kilos ang kabayong tumakbo kasama ang coupled entry Fantastic Gee.

Pumangalawa lamang ang kabayong Eloquence na sakay ni Val Dilema upang malagay ang tambalan sa ikalawang sunod na pangalawang puwestong pagtatapos.

Balik-taya ang ibi­nigay sa win habang P14.50 ang dibidendo sa liyamadong 8-7 forecast. (AT)

 

 

vuukle comment

ABOVE MAIDEN A

AMAZING LEBREN

FANTASTIC GEE

FOR VICTORY

JEFF ZARATE

JONATHAN HERNANDEZ

MESSI

MY CUP OF TEA

SAN LAZARO LEISURE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with