^

Para Malibang

Total ban ng dh sa Kuwait

BUHAY OFW - Pang-masa

Sang-ayon ang overseas Filipino workers sa plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na mag-impose ng total ban sa pagpapadala ng domestic helpers  sa Kuwait. Ang tanong ng marami ay kung bakit sa Kuwait lamang, dapat ay sa buong Saudi Arabia, dahil mas marami pa ang kaso ng pang-aabuso ng mga kababaihan ang hindi na nari-report. Hi­ling din ng mga OFW na hindi lang Kuwait, kundi sa ibang parte ng ibang bansang nagpapadala ng domestic helpers gaya ng Indonesia, Somalia, at ibang bahagi kung saan inaabuso rin ang mga Pinay.

Kung tutuusin ay dapat ipatigil na rin ang pagpapadala ng mga katulong saan man sulok sa labas ng bansa. Kundi bigyan ng solusyon ng pangulo at gobyerno ang kahirapan sa ‘Pinas. Upang hindi na lumabas ang mga kababaihan na magsilbi bilang domestic helpers sa ibang bansa.

Tinitiyak ng mga OFW na kapag hindi ginawan ng paraan ng Kuwait na maprotektahan ang mga Pinay, mahihirapan ang nasabing bansa. Dahil  halos lahat ng pamilya sa Kuwait ay nakadepende sa mga Pinay na naninilbihan sa kanilang tahanan na tinutulungan sila sa gawaing bahay at maging mag-excell sa kanilang edukasyon at English language. Wala nang ibang nationality na hihigit pa sa  mga Pinay domestic helpers ang papantay sa kahusayan at serbisyo ng ating mga kababayan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with