Pangako ni Mister na Napako
Dear Vanezza,
Nasa Japan ako nagtatrabaho, habang gym instructor ang mister ko. Promise niya hind na siya magkakaanak sa ibang babae. Pero may message ang kumare ko na may bagong GF na naman ang mister ko. Balak kong dalhin na lang ang dalawa kong anak sa Japan. Dahil tatlo na ang anak sa labas ng mister ko. Hindi ko na kaya. Tama ba ang desisyon ko? – Mayeth
Dear Mayeth,
Bakit hindi na lang isama pati ang mister mo sa Japan. Para hindi siya natutukso at maghanap ng ibang babae. Habang iniiwan mo siyang mag-isa ay mas mahirap sa kanyang labanan ang kalungkutan. Para mabuo ang inyong pamilya. Kung kaya rin ng mister mong buhayin ang pamilya kasama ka rito sa bansa, baka puwedeng huwag ka na lang umalis at hindi iwan ang iyong mag-aama.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest