^

Para Malibang

Pagpapalambot ng Butter na Hindi Natutunaw

BURP - Koko - Pang-masa

Burp Tips

Minsan sa pagluluto ay hindi maiiwasang magmadali lalo na kung may biglaang handaan.

Hindi maiiwasang makaligtaan ang mga bagay sa pagluluto lalo na nga kung nagmamadali ka.

Isa sa kadalasang nali­limutan ay ang paglabas ng butter para lumambot at magamit sa lutuin o pagbi-bake.

Nakatengga na ang iluluto at ibang ingredients, at kulang na lang ay ang butter pero nakalimutan ngang ilabas ito para palambutin.

Kung nangyari na ito sa inyo, puwes may tip kami para sa susunod eh hindi na kayo maghintay pa at masayangan ng oras.

Ang kailangan lang gawin ay kumuha ng baso na kakasya ang butter na palalambutin, lagyan ito ng mainit na tubig  iwan ng ilang segundo para uminit.

Itapon ang tubig at itayo ito pabaliktad habang nasa loob ang butter. Mas madali nang lalambot ang butter nang hindi rin matutunaw.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with