^

Para Malibang

Para hindi maging bungangera si misis

Pang-masa

Ikaw ba ay may bungangerang misis? O inaakusahan ka ni mister na ikaw ay nagger? May simpleng paraan upang maayos ang problema sa mag-asawa. Pero kailangan ng kooperasyon nina misis at  mister para matukoy ang ganitong isyu.

Kailangang tapusin na ni misis ang galit, kawalan ng respeto, o anomang conflict kay mister. Huwag na rin kakalkalin ang mga dating pagkakamali ng asawa, kundi ibaon na ito sa limot. Sa halip ay ipokos ang atensiyon sa kinakaharap na problema ngayon. Magkusang magbigay ng pagkakataon kay mister na pag-usapan ang problema na may respeto na sumasang-ayon maging mahinahon sa tuwing mayroong argumento. May parehong karapatan din si mister na mag-open ng isyu na hindi nawawala ang respeto at pigilan ang pagkainis sa part din ng lalaki.

Bilang lalaki, dapat i-address ni mister ang reklamo ni misis na mayroong pa­sensiya at kabaitan. Kung inaakalang maraming isyu si misis, isa-isahin at i-organize at unahin kung ano ang priority na dapat bigyan ng solusyon.

Kapag hindi agad inayos ng mag-asawa ang gusot ay magpapatung-patong ang problema. Madadagdagan din ang pagkadismaya na ang tendency ay nawawalan ng pag-asa na magkaroon ng kaayusan ang conflict. Pero kung magsisimulang gawan ng paraan ang isyu, walang puwang para magdadakdak si misis dahil inaayos ang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with