Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Babae Umusli ang Silicone sa Ipinagawang Ilong!

Grabe na ‘to!

Isang babae sa Thailand ang nabiktima ng mumurahing clinic na pinagpagawaan niya ng ilong.

Nag-viral hindi lang sa Asya kung hindi sa buong mundo ang sinapit ng isang babae na gustong magpatangos ng ilong. Sa larawan, makikita ang nakausling silicone na ipinasok sa kanyang ilong.

Dahil gustong makatipid, sa mumurahing clinic sa Hat Yai nagpa-rhinoplasty ang isang babae para magpatangos ng ilong. Nagkaproblema siya nang maimpeksyon ang kanyang ilong at unti-unting umusli ang silicone na ipinasok dito. Bumalik siya sa clinic at nanghingi ng tulong ngunit tinanggihan na siya.

Sa awa naman ng isang plastic surgery clinic sa Bangkok ay tinulungan siyang tanggalin ang silicone sa kanyang ilong. Matapos nito ay kumalat na nga ang larawan niya sa mga clinic na nagbibigay babala sa mga gustong magparetoke ng mukha.

Dapat ay sa kilala at lisensyadong clinics lang nagpapagalaw ng mukha.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: