^

Para Malibang

Pangalawang anino (297)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

 NAPAKALAKI ng bukol ng  bata sa leeg.

Nang hipuin ni Yawan ang bukol at “nagdasal”, naggu-glow ang kanyang kamay pero kulay pula ang ilaw.

At nang alisin niya ang kamay wala na ang bukol. Makinis na ang bahagi ng leeg ng bata.

“Nawala na ang bukol ng anak ko!  Nawala na! Maga­ling na siya! Pinagaling ni Yawan!”

“Oo nga!”   

“Isang milagro ito! Ang hindi napagaling ng doktor, napagaling ni Yawan!”

Yumakap kay Yawan ang ina ng bata kahit hinahati sila ng mga rehas, umiiyak ito.

“Banal ka na nga rin tulad ni Nanette kaya ka naka­kagaling ng mga maysakit! Naniniwala na ako na mabubuti na nga kayo! Na umalis na kayo sa kasamaan at ngayon ay tinutulungan n’yo na kami! Maraming salamat sa inyo!”

KUMALAT na hindi lamang sa kanilang barangay kundi pati sa mga katabing  barangay ang mga magagandang milagro ni Yawan.

“Iyung nanay ni Tisya na nasira ng paninigarilyo ang mga baga at nagsusuka na ng dugo, aba, akalain mong biglang lumakas. Kahit sipon, hindi na tinatablan.”

“Bukas, dadalhin ko doon ang asawa kong si Mabel, ipapagamot ko ang matinding rayuma niya!”

“Ako rin, dadalhin ko na ang nanay kong laging sumasakit ang ulo.”

SA presintong pinagkukulungan nina Yawan at Yawanaya, kausap naman nila ngayon ay ang hepe.

“Matagal nang nawawala itong pamangkin ng asawa ko at kahit hepe ako ng pulisya ay wala akong nagawa para makita. Sabi ko nga sa inyo, pupunta lang ito sa palengke, nakatsinelas nga lang, nawala na.”

“Dalaga ba ito, Sir na maganda?” Tanong ni Yawan.

“Oo. Magandang bata talaga at mabait. Seventeen lang ‘yan, e.”

“Hayaan n’yo ho at aalamin ng utak at kamalayan ko kung nasaan ngayon siya. Ano nga po pangalan? Tama ba ako na siya si Dolores?”

Namangha ang hepe. “Paano mo nalaman? Nahulaan mo lang?”

“Yes, Sir At ang kanya pong apelyido ay Gallardo?”

“Aba, tama nga. Iyan ang apelyido ng asawa . Ga­ling mong manghula, a. Pero, mahigit isang taon nang nawawala itong si Dolores ... kahit magaling ka mukhang duda akong mahuhulaan mo.”

Pumikit ng mga sampung minute si Yawan.

Maya-maya ay dumilat na. “Alam ko na ho kung nasaan si Dolores. Papuntahan ninyo itong address ng isang napa­kalumang apartment sa Pangasinan. 14-D Solar Apartments, San Jose, Bulacan. Naroroon ho si Dolores, may anak na siyang dalawa. Ang pa­nganay ay limang taon, ang bunso ay itong bagong anak ni Dolores. Malungkot siya. Kasi kinidnap siya at inanakan at tinakot na papatayin kapag tumakas. Barumbado ang asawa nitong kidnapper at nagpahire bilang rider in tandem.”

 ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with