^

Para Malibang

Pinakasikat na isda

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Ang clown fish ang pinakasikat na saltwater fish na inaalagaan at ginagawang pet. Sumikat ang isda na ito dahil sa pelikulang Nemo na siyang pangunahing bida sa palabas. Ilan pa sa mga sikat na isdang makikita sa dagat (saltwater) ay ang angelfish, royal gamma, hamlets, spotfin, yellowtaildamsels, at blue tangs.

Nasa 100,000 na ibon, balyena, seals at pagong ang namamatay dahil sa kalat (na karamihan ay plastic) sa dagat. Napagkakamalan nilang jellyfish ang mga plastic kaya nila ito kinakain. Namamatay sila dahil sa intestinal blockage.

Nag-aampon ang mga vampire bat ng iba pang paniki na ina­bandona ng magulang o namatayan ng magulang. Isa rin ang vampire bat sa iilang klase ng hayop na handang ibuwis ang kanilang buhay para magbahagi ng pagkain sa iba.

Ilan sa mga ibon ay kilala sa paglalagay ng langgam sa kanilang pakpak/balahibo. Nag­lalabas kasi ang langgam ng formic acid na siya namang pumapatay sa mga parasite.

Dinadala ng lala­king sea catfish ang kanilang mga itlog sa bibig. Hindi sila kakain hanggang hindi nangi­ngitlog ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with