Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nobya Panakip Butas

Dear Vanezza,

Nagkahiwalay kami ng dyowa ko nang mamatay ang anak namin. Ipinagtapat niya sa akin na ginawa lang niya akong panakip butas dahil ang totoo ay isa siyang bading. Ngayong wala na ang anak namin ay ayaw na niyang makisama sa akin. Anong gagawin ko ngayong mag-isa na ako ngayon sa buhay? – Nancy

Dear Nancy,

Lilipas din ang sakit na iyong nararamdaman. Ang mahalaga ay maaga mong nalaman ang katotohanan at nakalaya ka na sa maling pagsasama. Darating din ang panahon na matatanggap mo ang lahat. Kapag handa ka na, maaaring umibig ka na sa tunay na lalaki na kilatisin mong mabuti nang hindi ka na uli maloko.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: