^

Para Malibang

Social Anxiety Disorder

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang social anxiety disorder  (SAD) na kilalang social phobia ay isang matinding takot na mahusgahan, masabihan ng negatibo, ma-reject sa  anomang performance o pagsasalita sa harap ng tao o klase. Ang taong may social anxiety disorder ay nag-aalala kung paano sumagot o makihalubilo sa gitna ng maraming manonood kaya namumula, nabubulol,  nauutal, at hindi makapagsalita.

Sa U.S. sobrang OA ang pagbibigay ng  praise at appreciation sa mga bata na bino-boost ang confidence kaya lumalaki ang kanilang mga anak na hindi mahiyain. Samantalang ang mga Pinoy ay minsan may sakit na social anxiety disorder dahil lumaki ang mga batang Pinoy na OA na sobrang protective ang mga magulang na ayaw padapuan sa langaw ang mga anak. Sinusubuan pa ang mga anak, para hindi makalat ang pagkain sa lamesa. Sa malas, maraming batang Pinoy ang expose sa negatibong pagbubunga ng mga nanay na nakakaapekto sa moral, kalooban, at buong pagkatao ng anak.

Sa U.S. three months pa lang ang baby ay hinahayaan na siyang kumain mag-isa kahit magkalat gaya ng napapanood sa social media. Upang habang  baby pa lang ay matuto nang mag-isa na tumayo sa sariling mga paa. Pero ang ibang mga Pinoy na tinawag na ang pangalan o pinagtutulakan na ay nahihiya at walang lakas na loob dahil kinapitan na ng social anxiety disorder. Huwag mag-alala, dahil may solusyon sa SAD na kailangan lang konting practice hanggang makasanayan ang humarap sa maraming tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with