Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sino ang Dapat Maghatid ng Anak sa Altar?

Dear Vanezza,

Ikakasal na po kami ng boyfriend ko sa April next year. Ang problema ay kung sino ang maghahatid sa akin sa altar. Twenty years nang hiwalay ang magulang ko. Hindi sila civil o friends kaya wala silang communication. Ayaw ng mama ko na ang papa ko ang maghahatid sa akin, siya na lang daw dahil totoo naman kami ang magkasama sa hirap at ginhawa. Pero ayaw ko rin masaktan si papa. Ano ba ang gagawin ko? – Jessy

Dear Jessy,

May katuwiran ang mama mo, pero ikaw ang sentro ng kasal. Kung feel mo na ihatid ka ng papa mo puwedeng pakiusapan ang mama mo. Pero kung sa tingin mo na tama ang mama mo, walang masama na siya ang maghatid sa iyo sa altar. Kung saan magiging panatag at masaya ang lahat, ikaw ang magdesisyon. Pero para walang away, bakit hindi na lang ang tito o lolo mo na itinuturing mong pangalawang ama ang maghatid sa iyo, at least wala kang masasaktan sa magulang mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: