Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Benepisyo ng Bawang sa Pagpapaganda

Pantanggal ng tagihawat – Mayaman ang bawang sa antibacterial at antimicrobial agents na responsable sa pagpuksa sa mga bacteria na dahilan ng tagihawat. Marami ang nagsasabi na mas epektibo pa raw ang bawang kesa sa mga gamot na maraming taglay na chemicals.

Pagpapatubo ng buhok – Sumubok ng garlic infused hair oil na pwedeng ilagay sa buhok araw-araw. Magpakulo lang ng konting coconut oil at maglagay ng bawang, salain at ilagay sa malinis na bote.

Panlaban sa bala­kubak – Epektibo rin ang bawang sa balakubak dahil may taglay itong compunds tulad ng sulfur at allicin na tumutulong na puksain ang balakubak.

Pagpapatibay ng kuko – Ang pagkuskos ng bawang sa mga kuko ay epektibo rin sa pagpapaputi at pagpapatibay ng kuko. Pwede rin maglagay ng bawang para makaiwas sa infections sa nails at cuticle.

Pagpapapayat – Ang pagkain ng bawang ay epektibo sa mga nagnanais na magdiyeta.

(Paalala: Bago ilagay ang bawang ng direkta sa balat, ugaliin muna itong ihalo sa tubig, honey, o milk para hindi mabigla ang iyong balat at makaramdam ng parang nasusunog.)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: