^

Para Malibang

Budget sa Souvenir

PRODUKTIBO - Pang-masa

Nakakatukso na bumili ng souvenirs para sa kaibigan at pamilya tuwing dadaan sa store kapag nag-travel sa ibang lugar o bansa.

Lahat ay gustong magbigay ng regalo o pasalubong, pero hindi kailangan ng tig-aapat na bag, kandila, bracelet, bar soap,  para sa inyong mahal sa buhay o kaibigan.

Huwag masyadong maakit sa mga magagandang items para lang ubusin ang pera at ipamigay sa buong bayan. Hindi ikaw si Santa Clause para mamudmod ng regalo.

Ang technique kapag may trip, gumawa na agad ng listahan ng bibiling regalo at magkano ang gustong presyo sa bawat tao. Kapag nakadaan sa magandang shop ay puwedeng pumili ng gift para sa inyong listahan.

Bumili ng bultuhan at makipagtawaran para ma­kahingi ng discount.

Mag-shopping lamang ng murang cute na items, candy, o chocolates na pag­kasyahin sa limitadong budget.

Huwag ipagpilitan na sagarin ang budget sa pagbili ng souvenirs.

Ang iba ay creative na imbes bumili sa store ay ini-enjoy na mamulot ng shell o kakaibang shape ng bato sa beach na pinupuntahan.

Menos nga naman ang gastos kung souvenirs ang pag-uusapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with