^

Para Malibang

Melon sa Pagpapaganda

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang melon ay hindi lang maganda sa kalusugan dahil ang nutrisyong taglay nito ay beneficial din maging sa ating balat kaya naman ‘di kataka-taka na biglang kumikinis.

May collagen ang me­lon na siyang nagmimin­tina ng cell structure sa lahat ng connective tissue sa ating katawan kasama na ang ating balat. Bukod dito, pinabibilis din ng collagen ang paghilom ng sugat at minimintina ang maganda’t banat na kutis.

Napababagal ng melon ang pagtanda ng kutis dahil mayroon itong vatamins A, B, at C. Pwedeng gumawa ng facial mask gamit ang sariwang melon na hiniwa ng maninipis at direktang ilalagay sa mukha ng 20 minuto at banlawan ng malamig na tubig.

Sigurado namang la­lambot ang kutis sa facial mask na gawa sa pipino at honeydew melon. Paghalu-haluin lang ang pipino, puti ng itlog at honeydew melon sa blender. I-apply ito sa mukha habang minamasahe. Ibabad ng 15 minuto at saka banlawan ng maligamgam na tubig.

Perfect ang mask na ito sa pagpapaliit at paglilinis ng pores.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with