Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nobya Type ang Anak ng Nobyo

Dear Vanezza,

Ako po ay 25 years old. May nobyo akong foreigner na 45 years old,  divorce at may dalawang adult na anak. Yung anak niyang lalaki ay kasing edad ko. Niyayaya na akong magpakasal ng BF ko. Pero nalilito ako kung sino ba ang mas type ko. Yung BF ko na  daddy na; o yung anak niyang kasing edad ko? Love ko ang BF ko, pero malakas din ang attraction ng anak niya sa akin. Feeling ko ay may gusto rin sa akin ang anak niya. Ayaw ng magulang ko sa BF ko dahil may dalawa na raw anak  at mas matanda sa akin. Ano ba ang gagawin ko? – Mitch

Dear Mitch,

Aba! Bawal mamangka sa dalawang ilog, lalo pa’t sa mag-amang BF mo at anak niya. Ikaw ang makakasagot sa iyong tanong na sana ay magkaroon ka ng delicadeza na huwag patulan ang anak ng iyong nobyo. Ang pagpapakasal ay dapat ayon sa malinis na kalooban na walang halong pag-aalinlangan. Kung nadi-distract ka sa anak ng iyong BF, pag-aralan ang sarili na baka hindi mo talaga type ang mas matanda ang edad sa iyo. Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo, kapag napaso ay iluluwa. Mag-isip ng isang daang beses bago magdesis­yon ng hindi magsisi sa bandang huli.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: