^

Para Malibang

Pangalawang Anino(242)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAGSISISIGAW ­na  sa takot si Alona.

Sina Yawan at Yawanaya na mga nakahiga sa kama ay walang malay at umuusok pa.

“AAAAAHHHHHH! Kapag namatay sila ay papatay din ako ng mga taooo!”

Takbo si Alona sa simbahan. Alam niyang may ginagawa ang mga tao doon kaya nagkakaganoon sina Yawan at ang pangalawang anino.

May dala siyang dalawang itak.

“Punung-puno ang simbahan!  Sabi ko na nga ba, kaya umuusok na sina Yawan ay dahil ang dami-daming nagdadasal! Si Nanette ang may ideya nito!”

Dahil aburido na, pumasok si Alona sa simbahan at walang pakialam  na nanaksak.           

Sunud-sunod. Sampung tao ang nasaksak niya sa dibdib. Nagkagulo.

Walang pakialam si Alona. Patuloy pa rin sa pa­nanaksak.

Ang pari, si Nanette at pamilya, sina Angela at Ariel ay hindi makapunta sa dulo, sa entrada ng simbahan.

Kaya hindi nakikita kung ano ang nangyayari doon.

Tumulong na lamang sila sa pag-guide sa mga tao na doon na lang dumaan sa side entrances ng simbahan.

“Ano kaya ang nangyayari doon sa entrance, Nanette?”

“Hindi ko po alam, Inay. Nahaharangan po tayo ng maraming tao. Kayo na po ang magpatuloy sa pag-guide ng mga tao para makalabas, aalamin ko ho kung ano ang nangyayari sa dulo.”

“Mag-ingat ka, anak. Baka ikaw ang mapahamak.”

“Opo, Inay. Mag-iingat po ako.”

“Sasama na lang kami ni Ariel sa ‘yo, Nanette. Para may tutulong sa ‘yo kung sakali.”

“Huwag na, Angela. Hindi puwedeng iwan ninyo dito sina Father at ang pamilya ko. Tulungan n’yo sila para maraming taong makalabas sa simbahan at makaligtas. Kung ano man ang panganib, nandidito siya ngayon sa loob.”

Hindi na ipinilit nina Angela at Ariel ang gusto.

Si Nanette ang umusad para makarating sa main entrance ng simbahan.

Narating niya. At kinilabutan siya sa nakita.

Parang nagputik ang maraming dugo doon. Ilang tao ang nakahiga, mga sugatan sa dibdib.

Literal na dumanak ang dugo sa tahanan ng Diyos. -   ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with