Serbesa sa Tagihawat
Tagihawat – Ang bula sa beer ay epektibong panlaban sa acne dahil sagana ito sa yeast. Pinababagal din nito ang sebum production kaya ‘pag ginamit ito ay malaki ang tiyansang ‘di ka tutubuan ng pimple.
Buhok – Pampalambot din ng buhok ang serbesa. Mayaman ito sa Vitamin B at silicon na siyang responsable sa pagpapatubo ng buhok.
Ibuhos lang ang isang baso ng beer sa iyong anit, i-massage ito ng limang minuto at hugasan ng malamig na tubig.
Anti-aging– May antioxidants ang beer na nagpapatagal sa pagtanda ng ating mukha. Nilalabanan nito ang pagkakaroon ng wrinkles.
Paghaluin ang dalawang kutsara ng beer at isang egg white, ilagay ito sa mukha at ibabad ng sampung minuto.
Pagtulog – Ang hop flower ay isa sa mga ingredients ng beer. Epektibo itong panlaban sa insomnia. Banlawan ang inyong punda (pillowcase) sa pinaghalong beer at tubig. Maa-absorb ng tela ang aroma ng hop flower kaya madaling makakatulog ang mag-uunan dito.
Pantanggal ng deadskin/libag – Ang pinaghalong beer at strawberry ay epektibong gawing body scrub para matanggal ang mga deadskin.
- Latest