Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nadenggoy ng Lalaking May-asawa

Dear Vanezza,

Isa akong call center agent at 22 years old. May kasamahan ako sa trabaho, si Paul. Niligawan niya ako at naging kami. Hindi ko alam na may-asawa na siya. Mukha kasing binata ang itsura. Madalas kami mag-motel hanggang mabuntis ako. Nagpo-post ako ng pictures namin ng anak ko sa Facebook. Bigla na lang may mag-comment sa FB na kabit daw ako na naninira ng pamilya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang masakit ay hindi na nagpakita si Paul mula noon. Lalong masakit dahil araw-araw akong inuulan ng posting ng misis niya at pinagsasabihan ng masasakit at bastos na salita. Nagpalit na ako ng account. Pero ginamit nila ang picture ko at gumawa sila ng account na sinisira ang pagkatao ko sa FB. Ano ang gagawin ko para malimutan ang masaklap kong karanasan? - Liza

Dear Liza,

Mas magandang huwag ka na lang gumamit ng Facebook. Ituring mo na lang din bilang aral sa iyo ang mapait mong karanasan para huwag nang maulit pa. Magpakatatag ka para sa anak mo. Tuloy ang buhay tiyak na hindi ka iiwan ng pamilya mo sa iyong problema. Next time, maging matalino at kilalaning munang mabuti ang isang tao para hindi madenggoy ng mga mapagsamantalang lalaki.

                                                      

Sumasaiyo,

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: