Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Korean Cake ng Moshi Manju Swak sa Sarap ang Filling

Burp Review

Nauso noon ang Japanese cake na maliliit na bilig na parang hopia at may iba’t ibang palaman sa loob noong nauso ang J-Pop sa bansa. Ngayong uso naman ang K-Pop ay mayroon na ring Korean cake na naglilitawan. Isa na rito ang Moshi Manju, mas maliliit ito kumpara sa Japanese cake. Siguro mas malaki ng kaunti sa Combos na snack.

Basically, malambot din at parang pancake base ang tinapay nito tulad ng sa Japanese cake, ang pinagkaiba ay consistency ng filling. Malapot at creamy ang chocolate filling na aming natikman. Kakaiba at walang kalasa na ibang tsokolate. Gooey ang chocolate na swak sa malambot na cake. Nagkakahalaga ng P60 ang small box nito na may 15 piraso. Ang snack pack naman na 4 ang laman ay P18.00. Burp!

Lasa: 5/5; Presentasyon: 4/5; Presyo: 3/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: