Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dambuhalang Suso

Para sa nakararami, nakakatakot ang mag-alaga ng iba’t ibang klase ng insekto gaya ng salagubang, ipis, at iba pa. Pero para kay Adrian Kozakiewicz, ang pag-aalaga ng mga insekto ay parte na ng kanyang buhay.

Si Adrian ay isa sa pi­na­kamalaking insect breeders sa buong Europe. Dumadayo rin siya sa iba’t ibang lugar sa buong mundo kapag nagustuhan niya ang isang insekto.

Kamakailan lang ay ipinakilala niya sa buong mundo sa pamamagitan ng social media ang pinaniniwalaang pinakamalaking snail o suso. Archachatina marginata ang tawag dito na may common name na West African snail. Kaya nitong lumaki ng hanggang 20cm at nabubuhay ng hanggang sampung taon.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: