Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lalaki Tinabihan Matulog ng Cheetah

Para kay Dolph Volker, mapanganib ngunit masaya ang pagiging volunteer sa Cheetah Experience sa South Africa kung saan pini-preserve ang populasyon ng mga nasabing big cats.

Ayon kay Dolph, mahiyain ang mga cheetah at hindi komportable sa mga tao. Buwan na ang kanyang ginugol para mapalagayan ng loob  ang mga cheetah at nang naisipan niyang umidlip malapit sa kinaroroonan ng mga ito, laking gulat niya nang may isang babaeng cheetah ang lumapit sa kanya at nakipaglambingan.

Dinila-dilaan siya nito at kinagat ng hindi malakas, bagay na ginagawa ng mga cheetah sa kapwa nila cheetah.

Hindi makapaniwala si Dolph na pinagkatiwalaan siya ng cheetah at tinrato pa siya na kaibigan. Natulog din ang cheetah sa balikat ni Dolph.

Ayon sa volunteer, sulit na sulit ang ginawa niyang trabaho sa nasabing lugar dahil naging malapit siya sa wild animal na may malambot din palang puso.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: