Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Steamed Chinese Kikiam ng Mei Sum Perpekto ang Lasa

Burp Review

Kilala ang Mei Sum Tea House sa Binondo bilang isa sa mga paboritong puntahan ng mga mahilig mag-food trip. Authentic kasi talaga ang lasa ng kanilang pagkain at masarap.

Ang rerebyuhin natin ay ang kanilang Steamed Chinese Kikiam. Sa halagang P78 mayroon kang isang order ng nasabing dim sum na karaniwang side o maaari ring kainin o ulamin.

Tipikal na Chinese kikiam ito pero ang nagpasarap ay ang timpla at thin sauce. Hindi maalat at medyo manamis-namis ang lasa. May bite rin ang “balat” nito kaya mas enjoy kainin.

Perpekto ang lasa nito dahil balanse ang lahat ng flavor, alat, tamis, asim. Hindi rin ma-oily sa bibig dahil nga steamed lang na swak na pang-light snack. Burp!

Lasa: 5/5; Presentasyon: 4/5; Presyo: 3/5

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: