^

Para Malibang

Maling Paniniwala sa Pagpapaganda ng Buhok

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Noong ating kabataan, tinuruan tayo ng mas nakatatanda nang iba’t ibang paraan sa pagpapahaba ng magandang buhok. Nariyan ang pa­yong h’wag araw-araw na gumamit ng shampoo at may nagsabi namang magsuklay ng 100 beses sa gabi para mabilis itong humaba.

Narito ang pangakaraniwang maling paniniwala tungkol sa buhok:

Paniniwala #1. Bibilis ang paghaba ng buhok kung palagi itong pagugupitan ng pakonti-konti ­–  Dahil sa ugat tumutubo ang buhok at hindi sa dulo, hindi naka­kaapekto ang pagpapagupit para mabilis ang paghaba nito. Ganun din kung ikaw ay nag-aahit, hindi kakapal ang iyong buhok kung palaging mag-aahit dahil ang hair density ay namamana.

Paniniwala #2. Mas maganda kung natural na patutuyuin ang buhok kesa gumamit ng blower/blow dry ­– Para sa mahahaba ang buhok, mas nakabubuti kung gagamit ng hair blower dahil kung hahayaan itong matuyo lang, papasok ang water molecules sa loob ng buhok at maaalis ang keratin sa buhok, kaya ito magiging dry.

Paniniwala #3. Ang pagiging dry ng anit ang dahilan ng balakubak o dandruff. ­– Mali ang paniniwalang ito dahil ang oily na anit ang siyang dahilan ng dandruff.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with