Bakit Kailangan ng Lubricant? (2)
Sa tingin ng marami, gumagamit lang ng lubricant kasi matanda na, mahina, ‘wala nang katas,’ at iba pa.
Ang totoo, hindi porket bata ka pa, hindi pa dapat gumamit ng lubricant.
Makatutulong ang lubricant para mas ma-enjoy ang pagse-sex.
Narito ang mga dahilan kung bakit mas magandang gumamit ng lubricant.
Natalakay na natin ang tungkol sa paggamit ng lubricant para makatulong na maka-turn on. Talakayin naman natin ang paggamit ng lubricant para sa mas masarap na feeling. Sa paggamit ng lubricant mas makararanas ng delight feeling at makatutulong sa ilang isyu na nakakaapekto sa natural lubrication.
Minsan, ok naman ang lubrication ng babae ngunit makararanas ng bagong sensation sa paggamit ng lubricant ayon kay Sari Locker, Ph.D., sexuality educator sa Columbia University at author ng The Complete Idiot’s Guide to Amazing Sex.
Minsan pakiramdam ay kulang sa lubrication. Maaaring effect ito ng menstrual cycle, menopause, at gamot. ITUTULOY (Source:self.com)
- Latest