Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Passport Bilang Collateral ng OFW

Matagal nang pinapayuhan ang mga Filipino overseas workers na huwag gagamitin ang kanilang passport bilang collateral para sa financial loans.

Ang ibang nagigipit na OFW ay isinasanla pa ang kanilang passport para makapangutang sa kanilang amo o ibang kapwa kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kahit na may babala na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang sinomang mai-report at mahuli na ginagawang collateral o gua­rantee ang passport sa pangungutang o pagsanla ay automatic na makakansela ang kanilang travel document.

Hindi maaaring gawing loan collateral ang passport dahil ito ay property ng gobyerno kahit pa sinasabing isa raw  ito sa  hinihingi sa OFW kapag naglo-loan sa bangko. Hindi masama ang mag-loan o mangutang huwag lang gawing collateral ang passport. Dahil higit na mapapahamak ang OFW sa kalaunan kapag nahuli ng  mga awtoridad.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: