Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Grupong sinasamba ang eroplano

Isang grupo ang natuklasan ng Australian government patrols sa isang remote island sa South Pacific ng Australia noong 1946.

Napag-alaman ng mananaliksik na sinasamba ng naturang grupo ang mga eroplano.

Nagsimula ang pagsamba ng grupo sa eroplano nang mag-deliver ito ng maraming pagkain at iba pang supplies sa islanders. Pinaniniwalaan nila na ang mga eroplano ay ipinadala ng Messiah.

Sa tuwing may lumilipad daw na eroplano ay agad na nagdadasal ang grupo. Gumawa pa sila ng replica sa  pag-aakalang pamamahagian muli sila ng tulong.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: