Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bakit May Maliliit na Butas ang Crackers?

Burp Fact

Naisip n’yo ba kung bakit ang mga crackers ay may maliliit na butas bukod sa dekorasyon? Napa­kahalaga ng maliliit na butas na ito para ma­kagawa ng crackers. Kapag nawala kasi ang mga butas na ito hindi maluluto nang maayos ang crackers.

Ang mga butas ay ginagawa para lumabas ang steam habang niluluto ito. Ito rin ang nagpapanatili sa crackers na flat at para hindi umalsa tulad ng normal na biskwit. Nagpapalutong din ng crackers ang mga butas. At heto pa, ang bilang at posis­yon ng mga butas ay nakadepende sa laki at hugis ng crackers. Kaya hindi pare-pareho ang mga ito. Kapag sobrang lapit kasi ng mga butas ay magiging sobrang dry at tigas ng kalalabasang crackers. Kapag sobrang layo naman ng mga butas ay may mga parteng aalsa ito ang magkakaroon ng bubbles sa ibabaw.

Oh, ‘di ba napakakumplikado ng paggawa ng crackers? Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: