Warning
Panaginip: Sa panaginip, nahuli ko ang aking boyfriend na ipinagsasabi sa mga kasamahan niyang tricycle driver na kaya lang niya ako nagustuhan ay dahil may maganda akong trabaho. In real life, college graduate ako, siya ay 1st year high school lang ang natapos.---CEO
Interpretation: Sa panaginip, ang nagsasalita ay ang iyong “little voice” at hindi ang iyong boyfriend. Deep inside your heart, aware ka sa katotohanan ngunit pilit mong idinidenay dahil gusto mong papaniwalain ang iyong sarili na tunay kang mahal ng iyong boyfriend. Binibigyan ka ng warning ng iyong panaginip.
- Latest