^

Para Malibang

Brown Spots sa Balat

PITO-PITO - Pang-masa

Kadalasang nagkakaroon ng brown spots sa mukha, likod, leeg, dibdib, balikat, at kamay. Ang ilan sa sanhi ng brown spots ay ang sun exposure, aging, at genetics. Maaari rin itong makuha sa stress, pagbubuntis, vitamin deficiency, at mahinang atay.

1. Maghalo ng asukal sa lemon juice para ma­ging paste at gawin itong scrub sa mukha kung saan may brown spots. Banlawan matapos ang 10 minuto. Gawin ito ilang beses sa isang linggo.

2. Maghalo ng 4 kutsaritang buttermil at 2 kutsaritang tomato juice at ipahid sa apektadong balat.

3. Gumamit ng cotton ball para magpahid ng castor oil sa apektadong bahagi. Masahihin ito ng ilang minuto at iwan ng ilang oras bago banlawan. Gawin ito isang beses sa umaga at bago matulog sa gabi.

4. Maghalo ng 1/2 kutsaritang apple cider vinegar at ilang patak ng orange juice. Ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan at iwan hanggang matuyo bago hugasan. Gawin ito dalawang beses sa isang araw sa loob ng 1 buwan.

5. Magkuskos ng aloe vera gel sa apektadong bahagi ng katawan at iwan ng 30 minuto bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito 2 beses sa isang araw sa loob ng 1 buwan.

6. Gumawa ng paste mula sa labanos at ipahid ito sa balat. Iwan ng 20 minuto bago banlawan.

7. Magkuskos ng 1 kutsarang fresh grated papaya sa brown spots at iwan ng 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with