Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bakit Mas Madaling Maging Lalaki?

Mas madali raw ma­ging lalaki kumpara sa mga babae. Narito ang ilang listahan kung bakit mapalad na ikaw ay lalaki:

Ang apelyido mo ay hindi naalis. Ang paglabas ng basura ay sa iyo. Ang pagpa­plano ng kasal ay hindi mo masyadong problema. Kailanman hindi ka mabubuntis.  Hindi ka nagkakaroon ng ­menstruation kada-buwan. Ang wrinkles ay nagpapadagdag sa iyong character. Kadalasan isa lang ang mood.  Ang usa­pan sa telepono ay hanggang thirty se­conds lang. Ang five-day vacation ay puwede na sa isang maleta. Kapag hindi ka naimbitahan, mag­kaibigan pa rin kayo. Ang isang hairstyle ay puwede na sa buong buhay mo. Inaahit lang ang mukha at leeg. Pwedeng maglaro ng toys mo sa buong buhay mo. Isang wallet, isang sapatos, at isang kulay lang sa lahat ng okasyon. Pwedeng magsuot ng shorts kahit anong itsura ng legs. Pwedeng  gupitin o linisin ang mga kuko gamit ang pocket knife.

O ‘di ba! Kung inaa­kala na masyadong komplikado si misis, pagpasensiyahan na po. Hindi naman lalaki ang kasama mo sa bahay. Pinakasalan mo si misis dahil siya ay kakaiba. 

Nagkakaproblema  man sa bahay ay pa­kinggan si misis at una­wain na siya ay ibinigay bilang kakaibang regalo na unique para sa mga asawang lalaki.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: