ERC bahalang pumili ng OIC-Palasyo
MANILA, Philippines - Ipinaubaya ng Malacañang sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpili ng kanilang magiging officer-in-charge habang umiiral ang 90-days suspension na ipinataw ng Palasyo sa chairman nito na si Jose Vicente Salazar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon, hahayaan na lamang ng Malacañang ang mga ERC commissioners na pumili mula sa kanilang hanay para maging officer-in-charge.
“ERC commissioners to choose their new OIC among themselves while chair Salazar is suspended. Usually, the most senior is chosen as the OIC,” wika pa ni Usec. Abella sa Malacañang reporters.
Magugunita na pinatawan ng 90-days preventive suspension ng Malacañang si Salazar kaugnay sa administrative charges nito kabilang ang serious dishonesty at grave misconduct.
Ang 90-days preventive suspension order laban kay Chairman Salazar ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
- Latest